Uncategorized

PHR Romance Novel Writing Workshop Experience

PHR Romance Novel Writing Workshop Experience

By Hanzel

 

Do you have a complete and vivid romance story on your mind but can’t seem to write the words down?

Isa ito sa mga madalas na problema ng mga manunulat na siya ring nagiging dahilan kung bakit ang mga kuwento sa ating isipan ay nananatiling mga ideya na lamang. Ngunit kung nangangarap kayong maging isang ganap na libro ang inyong istorya, isang solusyon ang pagsabak sa mga writing workshops na siyang huhubog at tutulong na maisakatuparan ang pangarap na maging sikat na manunulat.

Noong May 13-14, 2017 ay inilunsad ng Precious Hearts Romances ang taunang Romance Novel Writing Workshop na dinadaluhan ng ilang published writers at mga gustong maging romance writers mula sa iba’t-ibang parte ng bansa. Sa taong ito, humigit kumulang 70 participants ang nakapasa sa diagnostic test na isinasagawa para piliin kung sino-sino ang mga tanging makakadalo sa naturang workshop.

Maaga pa lamang ay kumpulan na ang mga participant sa Precious Events Center sa fourth floor ng bagong building ng Precious Pages Corporation sa Sto. Domingo Avenue, Quezon City. Habang hinihintay ang iba, isa-isa silang nagpakilala at inilahad ang dahilan kung bakit sila sumali sa workshop. Ilang mga katanungan ang agad lumutang:

  • Paano ko tatapusin ang nasimulang kuwento?
  • Ano ba ng POV na dapat kong gamitin?
  • Ano-ano ba ng mga paraan para maging maganda ang isinusulat kong kuwento?

Nagsimula ang unang session sa pagtalakay ni Ms. Edith Garcia, PHR Editor-in-Chief, ang mga topics na: Writing a Romance Novel kung saan sinabi niya, “by the end of the book, the hero and heroine should be ready to commit—the required happy ending.” Sinabi rin niya na, “in a well-written story, the question is not what happens next, but WHY do things happen as they do.”

Sumunod na lecturer si Mr. Abet Cruz, Creative Assistant ng ABS-CBN, at diniscuss ang Plot Diagram at Characters, at may active participation ang lahat. Bawat isa ay bumuo ng kani-kaniyang tauhan base sa ibinigay na stock characters. He also gave a lot of activities that stimulated the creative imaginations of the writers and prompted them to write.

Bago matapos ang unang session, nagbigay ng speech ang premyadong author na si Rose Tan at inilahad niya ang totoong buhay ng mga manunulat at nagbigay rin siya ng ibang tips para makatapos ng isang nobela.

Natuto naman silang magsulat ng teaser sa huling araw ng workshop. A teaser-critiquing session followed and everyone read out what they wrote for Ms. Edith and the rest of the PHR editors to comment on and suggest revisions. Nang matapos ang huling topic na Tips for Writing a Romance Novel, nagbigay ng ilang writer’s ethics si Mr. Jun Matias, ang presidente at publisher ng Precious Pages Corporations. Sinagot niya rin ang ilang katanungan ng mga participant tungkol sa mga patakaran ng kumpanya sa publishing at printing ng mga libro.

Bago maghiwa-hiwalay, nagpa-picture ang buong grupo kasama si Ms. Edith at Mr. Jun Matias.

Napakalaki ng naitulong ng PHR Writing Workshop sa mga writers na sumali dahil nasagot ng event ang mga katanungan na matagal nang pumipigil sa pagtapos ng kanilang mga manuscripts. Balang araw, siguradong  isa sa kanilang mga pangalan ang susunod na mailalagay sa mga bookstores nationwide.

Advertisements
Uncategorized

Are You Ready to Become a Romance Novel Writer?

Are You Ready to Become a Romance Novel Writer?

By  Stefhanie

Collage New books

 

Writing isn’t easy as what people think—that what writers do is only stare hard out of the window and words just magically come out. Well, guess what? It isn’t magic. It takes time, hard work, patience, passion, and a talent to weave the words and create a masterpiece.

Writing per se isn’t easy, indeed. And so is romance writing. You might think that you have what it takes to be a romance writer since your mind is full of heart-melting dialogues and romantic scenes that are ripped out of the classic love stories. Of course, being an idealist and a love-junkie can help you come up with a wonderful love story. Nevertheless, one still has to know the fundamentals in establishing the structure of a literary work. The form and content are always coexistent—they are both the basis of a written work. If one foundation is not carefully shaped, your work would be incomplete. So if you can write the best romantic lines ever but you cannot handle the flow of your own story, it would be futile.

The recent PHR Romance Writing Seminar-Workshop held this 13th-14th of May has really been helpful for those aspiring novelists. The lecturers managed to impart and divulge the essential formula in writing a romance novel. Miss Edith Garcia, PHR Editor-in-chief, discussed the popular story lines of a love story—marriage of convenience, secret baby, rags to riches, etc. that are inflamed more by the external and internal conflicts of the characters. Abet Cruz, a creative writing assistant, tackled another rudiment in writing a story—the plot diagram or the way a story goes from the beginning to the end.

Participants are also asked to write their own stories out of the given concepts of characters, plots, and conflicts. They also learned the secret in writing a good teaser, hence, they are able to compose teasers for the novels they are working on. They have presented different teasers that are compelling enough to make the readers buy their books. All of their outputs are to be submitted until November.

A lot of millennials today, be it a boy or a girl, have dreamt of seeing their names on book covers as the author. But writing isn’t just for the young ones. Everybody can have a knack for writing—young professionals, working moms, single dads, etc. And I’m pretty sure that through this workshop, their passion to write has been ignited and dreams are within their reach.

Uncategorized

THE 3rd BE A PART OF THE EDITORIAL BOARD FOR A DAY

THE 3rd BE A PART OF THE EDITORIAL BOARD FOR A DAY: JULY 8, 2017

Editorial Board For A Day

Will you recommend this story to your friends? Did you fall in love with the hero? Did you care for the heroine? Is the story worth reading? Hindi ba sayang ang Php 42 or 45 mo? Hindi ka ba nakahinga sa kilig?

Kung “yes” ang lahat ng sagot sa mga tanong na nabanggit. Pass your papers. Approved ang manuscript. Maganda, pasado ang kuwento. Congratulations sa writer!

July 8, 2017—ang date na pinili ng Precious Pages Corp na bigyan ang mga readers ng pagkakataong makasama sa pangatlong “Be a Part of the Editorial Board for a Day”. Kung saan puwede kang magbasa ng mga raw manuscripts na pinasa ng mga aspiring writers, mag-QA, mag-comment at mag-express ng feeling kung hindi pasado sa iyong taste ang mga kwento.

Bukod  sa nabanggit sa itaas, ano-ano pa ba ang ibang guidelines para masabing “approved” o “return” ang isang manuscript? As what Ms. Edith Garcia, Editor-in-chief of PHR, had discussed:

  • Plot of the story. Halos lahat na ata ng plot sa mundo nagamit na sa pagsulat. Poor girl meets rich guy, you and me against the world at kung ano-ano pa. Pero may isang tanong pa rin tayong naitatanong bilang reader, “Naitawid ba nang maaayos?, May bagong twist ba?”
  • Would you recommend this story to your friends? May isang nagsabing, “No, dahil mataas ang standards nila.” Kung highly recommended ang story at tingin mo’y babasahin ito ng mga friends mo kahit enemies mo pa, eh, de approved!
  • Chemistry between the characters. This is important. Nagbabasa ang isang tao ng isang romance novel para kiligin, maniwala uli sa love at ma-in love.

After the reading, isa-isang idiniscuss ang mga na-assign na manuscript per group. May mga kinilig, may approved, pero mayroon din namang nainis at hindi nagustuhan ang kanilang binasa.

Over all, the event was exciting. (Aside from the free food  and pocketbook J) May chance ang bawat isa na i-voice out ang mga comments nila sa isang nobela. Nakatulong din ito para bigyan ng tips ang mga aspiring writers na um-attend kung sakaling sila na ang magpapasa ng sariling manuscript, soon.

The question is the same.

Will you recommend your story to your friends? Did you fall in love with your hero? Did you care for your heroine? Is the story worth reading? Hindi ba sayang ang Php 42 or 45 mo? Hindi ka ba nakahinga sa kilig? Naitawid ba ang plot?

Kung ang sagot ay “yes”. Congratulations! Approved ang nobela mo.

 

 

 

 

 

Hero Hunk Of The Day

Hero Of The Day: Men Of Panagbenga 20

Kilala ang Baguio sa malamig nitong klima, pero nitong nakaraang Panagbenga, hotness overload ang naganap sa pagparada ng nagga-gwapuhan at nagkikisigang mga kalalakihan. Sila ang ating Hero or Heroes of the Day:

The Sexy Men of Panagbenga 2017

Ang nangunguna na sa kanila, our very own Carrot Man

sexy-igorot-of-panagbenga-2017-8

Hindi rin nagpahuli ang mga kalalakihang suot ang kanilang mga hinabing kasuotan na bumuhay sa ating mga imagination.

sexy-igorot-of-panagbenga-2017-4sexy-igorot-of-panagbenga-2017-5sexy-igorot-of-panagbenga-2017-6sexy-igorot-of-panagbenga-2017-10sexy-igorot-of-panagbenga-2017-9sexy-igorot-of-panagbenga-2017-1sexy-igorot-of-panagbenga-2017-2sexy-igorot-of-panagbenga-2017-3sexy-igorot-of-panagbenga-2017-7sexy-igorot-of-panagbenga-2017-11

finding-carrot-man-1

At para sa mas magandang imagination, dagdagan natin ng tamis ang kwento ng mga naga-gwapuhang kalalakihan at gawin natin silang Hero Of Day. At ang una na nga ay si Carrot Man na mababasa natin sa Romance Novel ni Sofia, Finding Carrot Man.

 


Follow us on Facebook: Precious Hearts Pocketbooks

On Instagram: PHRomances

Love

VICE GANDA’S EMOTIONAL SPOKEN WORD POETRY

SPOKEN WORD POETRY 
Vice Ganda
#ViceGandaPusuanMoSaAraneta

“Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan? 
Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng walang sakit?
Pwede bang okay na tayo wala ng bakit?
Pwede bang start lang walang end?
Kung kaya pa natin, baka naman pwedeng iextend
Pwede bang true lang walang fake?
Pwede bang heart lang walang break?
Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang tayo at tayo nalang ulit?
Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba hindi
At yun ang masakit

Masakit ba yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga nating masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin nating binabalikan
At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan
At hinanap-hanap nalang ng katawan
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang kumurap 
At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham
Kaya kakausapin ko nalang yung sarili ko, tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na ‘to

Masakit ba yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko
Pero sigurado naman akong makakarating sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso 
At gusto kong malaman mo na masakit
Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit
Hindi ko mawara yung sakit, sobrang sakit pero masarap

Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw nagbigay sakin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan na sa akin ay manakit
Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan mahal kita
Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating parang kulungan
Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan
Mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Mahal kita tang ina nila mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban

Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan
Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo 
Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan
Gusto kong isigaw na “POTANG INA JOWA KO YAN!”
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan
Kaya kahit pareho tayong tagumpay
Pareho tayong nananatiling talunan

Ang sakit, ang sakit sobrang sakit
Sobrang sakit hindi ko maintindihan ang sakit
Hindi nyo alam ang sakit
Pero pagkatapos ang tilian ng mga tao
Pagkatapos ng tunog ng simbato
Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat ng pawis mo
Bago ka umuwi ng bahay nyo
Ako parin ang tatawagan mo para tanungin kung napanood ko yung cross over mo
Yun ang masarap
Para kong baliw, para kong tanga

Makita ko palang yung pangalan mo sa telepono para na kong nasa ulap
Pag narinig ko na yung boses mo pag sinagot ko yung tawag mo para na kong nasa alapaap
Parang tangang nababaliw kasi ang sarap sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero ang saklap pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, kahit nakakulong tayo masaya naman tayo
Nagtatawanan, naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos ay magbabati nanaman

Pero bakit pag naglabas ng mundo yang hindi na tayo pwedeng mag-usapan
Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng maghawakan
Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi pwede
Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan

Ilang taon din natin yan tiniis
Yung nagtataguan na parang mga gago
Na parang mga aswang na nakakubli sa isang silid na parang sementeryo at tayong dalawa lang ang tao
Na parang mga adik na natatakot matokhang ano mang segundo
Na parang mga kriminal, natatakot na hatulan ng mapanghusgang lipunan
Na ang tanging pamantayan ay hindi pwedeng tayo
Dapat sa babae ka lang dahil bakla lang ako
Potang ina namang mundo to ano bang problema nyo
Ano bang kasalanan ko

Sa sobrang takot ay nagkasundo na lang na wag na manlaban
Dahil pagod na tayo at pareho na tayong tubuan
Kinamisok tayo na sumuko nalang
Ang sakit, sobrang sakit
Hindi nyo alam kung gano kasakit 
Hindi nyo mauunawaan kung gano kasakit
Pag naaalala ko para kong mamamatay sa sakit
Namamanhid yung buong katawan ko sa sakit
Hindi ako makakilos sa sakit, wala na kong maramdaman sa sakit

Ang sakit sakit pero masarap
Kasi hanggang sa huli
Yung sa pagsuko natin magkahawk tayo ng mahigpit
At dumating na yung oras na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa atin 
Pinakamabigat na parusa

Kalayaan
Kalayaan palayain ako
Kailangan palayain mo ko o palayain kita
Di pwedeng lumingon, di pwedeng sumulyap
Di pwedeng umiyak diretso lang ang lakad
Papalayo sa isa’t isa hanggang sa di natin nakita kung san tayo napunta

Ang sakit sobrang sakit
Halos ikamatay ko yung sakit
Pero masarap, ang sakit sakit pero masarap
Dahil hanggang sa huling sandali
Kahit masakit tinawag mo kong Juliet.”

Click The Picture for the Video

Resulta ng larawan para sa vice ganda spoken word

From the Writers

ROSE TAN’S DATING EXPECTATION VS DATING REALITY

I am supposed to write about dates, not the fruit. I’m not even sure if dates are fruits or nuts. Let me Google.

49 seconds later…

Okay, they’re fruits.

I’m the nut.

Here are the Perfect Date Scenes from two of my novels and the Real Life Date Scenes I pulled them from.

Call it EXPECTATION VS REALITY.

EXPECTATION:

#BRAK and Blueberry had a date by the sea shore. It was a dark starry night. The cabana was all dressed up, food was great because Brak had all the cash to pay for it. And when Blueberry asked why the dashing bastard of Agron went to so much trouble arranging such romantic atmosphere, Brak said he was making ‘ligaw’.  You know what happened next. Every reader now wants to be in Blueberry’s shoes.

REALITY:

A dude I was so in love with brought me to the beach. We were alone in a big vacation house and  we took the mattress out from one of the rooms to the deck so we can lay there and watch the shooting stars. He arranged the wine and the glasses, he even had a rose for me. Too bad, he forgot to bring food. My romantic get-away ended up with me cooking Ligo for two and  the bastard of Tralala out on the streets looking for a carinderia’ng bukas  sa walang makain in the middle of the night. Aanhin mo ang Ligo kung walang kanin?

Lesson: Bring extra rice.

rose-tan-brak

EXPECTATION:

#Arik and Tarcila went to a rose farm somewhere in the mountain province–I forgot the name of the place. Arik was so happy to see the roses and the roses were happy to see Arik, they bloomed in his presence. Tarcila cried tears of joy, realizing how much she loved the traitor of Krohn. They held each other and kissed and promised undying love…

REALITY:

I brought a ‘slap-on bra’, the silicone type you just ‘salpak’ on the boobies, no straps whatsoever. I tried it on, loved it and forgot about it even when Ex-Boyfie came a-calling and wanted a spur of the moment excursion to a lake in a nearby town. Malandi as I was, I went as I was–crop pants, shirt, slippers and the ‘slap-ons’.

The traitor of Baranggay Uno was so happy to see the lake. He ran to the shore, graceful as a penguin on LSD. He kept calling me to him  so we can pretend to be running away to forever. I couldn’t move, the ‘slap-ons’ would not stay on anymore. They kept falling down, like the bridge of London. Beautiful me just sat there holding my silicone cups in place pretending I had a headache. In my boobies.

Lesson: Don’t buy ‘slap-ons’ made in China.

rose-tan-arik

You want more of these?

Are you sure?

Okay. Let me cook dinner first for my forever Valentine.

‘gang sa muli.


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our Precious Hearts Romances writers and as part of our Valentine Month, we will be posting their answers here. Keep posted for our next writers answer.


Rose Tan is a Romance Novelist. She has written several titles for Precious Hearts Romances including Bud Brothers which was adapted to television on ABSCBN. You can look for her books Arik: The Traitor Krohn and Brak: The Bastard of Agron here.


 

 

 

From the Writers

Belle Feliz’s Remembers her Favorite Date

Paano kayo makakapag-date na nakapalibot ang inyon gmga magulang, mga kapatid, buong pamilya? This is Belle’s favorite date scene, in her novel, Remembering Sunday.

belle-remembering-sunday

Matatagpuan ang paborito kong date scene sa nobela kong Remembering Sunday, chapter thirty. Iyon ang unang “official proper date” ng mga karakter na sina Mattie at Jem.

Jem and Mattie grew up together. They were best friends. Their parents were best friends. Nang mag-iba ang kanilang relasyon ay naging concern din iyon sa kanilang mga magulang. They were happy for the two but they were also a little bit worried and concerned.

Humiling si Mattie ng isang proper date. She wanted a real date. Dinner. Steak. Candlelights. Music. The works. Jem got a reservation in a quiet, private and pricey restaurant. I loved writing this scene because it was fun and Mattie and Jem were just adorable. Medyo nakakatawa na sumama ang kanilang mga magulang at kapatid sa date na iyon. Magkahiwalay ang table pero naiilang at natatawa pa rin sina Jem at Mattie. Nagdesisyon sila na mag-pretend na wala ang kanilang pamilya sa paligid sa bandang huli. It was a lovely dinner date.

Mahal na mahal ko ang dalawang karakter na ito at alam ng mga nakabasa ang kinahinatnan ng kanilang relasyon. So I adore and cherish every happy memories they had together. I hope the readers also found it cute and endearing.


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.


Belle Feliz is a PHR writer. She has written “Constantly In Love” “Henrick’s Love” “Happy Ever After” and “Destined Love” among others.

From the Writers, Uncategorized

Three Dates with Dawn Igloria

One inside the car, the other one in Liberty Park and the third one was with a flash mob, here are Dawn Igloria’s three favorite date scenes.

dawn-igloria-my-lovely-bride 

My Lovely Bride 167 Mirian & Francis

CAR scene ito nina Mirian at Francis na kagagaling lang sa honeymoon matapos ang kanilang marriage of convenience. Masama ang loob ni Francis sa sinabi ni Mirian na maghiwalay na lang sila ng tirahan. Kaya hindi siya kinikibo nito.

“Francis,” sabi ni Mirian nang hindi na siya makatiis, “puwede ka namang matulog sa amin during weekdays. Puwede pa rin tayong magtabi. At kung papayag ka, I can stay at your place during weekends.”

Biglang nagpreno si Francis. Galit na itinabi nito ang sasakyan. Puno ng hinanakit na tiningnan siya nito. “Do you think katawan mo lang ang habol ko nang pakasalan kita?”

“A-alam ko naman na hindi.”

“You’re right because I want all! Hindi kapirasong laman lang! Hindi ilang oras! Ang buong ikaw ang kailangan ko…!” Sandaling tumigil ito para kalmahin ang sarili. Mababa na ang boses nito nang muling magsalita, puno ng desperasyon ang mga mata. “Because I want to share with you my all, too. Gusto kong maging bahagi ng mga iniisip mo, ng mga pangarap mo… pati na ng mga takot mo. Ganoon ang pagmamahal, Mirian.”

 

Phr 4147 A Walk To Forever

ANG PREMISE ng scene na ito ay sinusubukang bumawi ni Joshua sa lahat ng heartbreaks na naibigay niya sa best friend at secret love na si Knicole.

Nagsimula ang scene sa pinuntahan ni Knicole na book signing. Nakita niya roon si Joshua na nagpapapirma ng mga pocketbooks sa mga paborito niyang authors. Sa huli, nagpapirma ito at nakipag-usap pa sa pinakapaborito niyang manunulat na si Armea Virata.

Nagulat silang lahat nang magsalita si Armea sa microphone. “Knicole, nasaan ka man sa gitna ng mga taong naririto, sana pakinggan mo ito: Sagutin mo na si Joshua.”

Naghiyawan ang mga tao at dumagundong sa ingay ang venue. Nagtago naman si Knicole sa gitna ng makapal na mga tao.

“True love comes only once. Kaya Knicole, huwag mo nang palampasin ang pagkakataon, patawarin mo na si Joshua.”

Biglang narinig ni Knicole ang isang magandang boses na kumakanta ng kantang Pinakamamahal ni Aiza Seguerra. At isa-isa nang naglabasan at nagsikanta ang flash mob hanggang isang boses na lang ang nangibabaw sa huling line ng kanta.

Si Joshua ang kumakanta. Nagulat na lang si Knicole nang hawakan siya nito at makita na magkatabi na pala sila. Natunton nito ang kinaroroonan niya!

“Pinakamatamis na pag-ibig ay ikaw… Ikaw ang natagpuan ng puso kong di naligaw.”

dawn-igloria-adams-sassy-girl

Phr 5466 Adam’s Sassy Girl:

SPRING time ang eksenang ito na nangyari sa Liberty Park, Jersey City.

Yumapos sa baywang ni Adam si Kimi.  “Ang sarap mo yakapin.” Inilapit nito ang mukha sa leeg ni Adam. “Ang bangu-bango mo pa.” Ipinasok ni Kimi ang mga kamay sa ilalim ng shirt niya hanggang dumantay ang mga iyon sa kanyang balat. Pinisil pa nito ang tagiliran niya. “Pahiram ng body heat mo, ha?”

Kahit malamig ay biglang pinagpawisan si Adam. Hindi na siya nakatiis. Niyuko niya ito at akmang hahalikan nang biglang humarang ang palad ni Kimi.

“Wait lang,” sabi nito. “Bago tayo pumunta diyan, dapat may preliminaries muna.” Tumalikod si Kimi. Pakapang kinuha ang mga braso niya para iyakap sa katawan nito. “Ipatong mo ang mukha mo sa balikat ko.” Sumunod naman si Adam. “Tandaan mo, kapag nagka-girlfriend ka, ganitong posisyon ang gusto namin kapag nilalambing kami. Mas gusto namin na hinahalikan sa kamay.” Hinalikan ni Kimi ang likod ng kamay niya bilang demo.

Pagharap ng dalaga ay nakita ni Adam ang kislap sa mga mata ni Kimi na parang pinipigilan lang na mapaiyak. It made her even more beautiful.

“Gusto din namin na hinahaplos sa ulo, hinahalikan sa temple, sa tuktok ng ilong… Pero ang mas magpapakilig sa amin, ‘yong hahawakan kami sa baba, tititigan kami sa mga mata at sasabihan na: ‘Before I let you go, I just want to say I love you.’” Kumindat si Kimi sa kanya at biglang kumalas.

“Teka—”

Tinapik ni Kimi si Adam sa pisngi. “’Bye, Prince Adam. Gudlak sa paghahanap mo ng susunod na prinsesa. Baka hindi na tayo magkita. Flight ko na bukas.” Tumalikod na ito at naglakad palayo.


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.


Dawn Igloria is a Precious Hearts Romances’ writer since 2000. She has written several single titles and some series including “My Love, My Hero” and “My Lovely Bride.” Her single Isla Sanctuario was adapted into TV, Paraiso starring Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli.

From the Writers

Mandie Lee’s “What A Feeling” Moment

For a non-romantic like me, it’s always a struggle to write a date scene. Kasi usually, ‘yung alam kong nakakakilig ay hindi ma-gets ng ibang tao and vice versa. LOL

Pero kung may favorite date scene siguro ako among my stories, iyon ay ang ending ng Mga Halik Mong Sinungaling. I think it’s cute and effortless.

‘Yung date ng mga bida ay plinano ng mga estudyante nina Wade at Dionne. Nasa gitna iyon ng sports stadium, pinapunta sila doon na nakapantulog pa. There was a table set-up with wine, foods and everything. Tapos may music, ‘yung original version ng What A Feeling. Haha! Naisip ko ang music na iyon dahil paborito kong dance scene naman ang sa movie ‘yung What Happens in Vegas.

So ayun, doon sila nag-reconcile at nagkaaminan ng feelings. And they get to dance for the first time, dahil hindi naisayaw noon ni Wade si Dionne sa class reunion.

sports-arena

The scene:

Nauubos na nila ang alak sa kani-kanilang mga kopita nang biglang may pumailanlang na musika mula sa mga speakers ng sports arena.

“What the hell?” natatawa at nahihiyang palatak ni Wade.

First, when there’s nothing but a slow glowing dream…

Natawa rin si Dionne at bahagyang nagtakip ng mukha. “Kailangan talaga antigong kanta?”

“Baka paborito ito ni Mr. Llorente,” tumatawang sabi naman ni Wade.

Makahulugang tumingin siya dito. “You know why the kids took us here, right?”

Ngumisi ito at inubos nang tuluyan ang natitirang red wine sa kopita. “Yes.” Tumayo ito at lumapit sa kanya.

Well I hear the music, close my eyes, feel the rhythm

Wrap around, take a hold of my heart

Banayad siya nitong itinayo, hindi inialis ang napakasuyong tingin sa kanyang mga mata. Pagkatayo niya ay iniikot siya nito. Sabay pa silang napatawa dahil kapwa awkward silang dalawa sa pag-indak.

What a feeling, being’s believin’
I can have it all, now I’m dancin’ for my life

“Ni hindi man lang ako nakapag-ensayo ng dance moves,” tumatawang sabi ni Wade.

Indak ng magkahalong waltz at swing dance ang ginawa nila. Bara-bara na ang dance moves, ang importante ay gumagalaw sila pareho. And they were both enjoying the dance. They were laughing. They were so happy.mandie-lee-mga-halik-mong-sinungaling

He then held her waist and he swayed them both while she was wrapping her hands on his nape. Buong-sabik niyang sinalubong ang pagtawid ng mukha nito sa pagitan nila at naghinang ang kanilang mga bibig.

Now I hear the music, close my eyes, I am rhythm
In a flash it takes hold of my heart

“I miss your kisses so much, Coach,” humihingal na bulong niya dito nang maghiwalay ang mga labi nila. Hindi pa rin siya bumibitaw mula sa batok nito.

“You’ll get more of it later, Ma’am,” sabi naman nito. “For now, let’s just dance.”

She grinned. “Sige, balahurain natin ang soccer field.”

Muli siya nitong iniikot at sinabayan siya ng indak. Their bodies gracefully rocked together to the rhythm of the music playing.

Take your passion, and make it happen

Pictures come alive, you can dance right through your life

Hinila siya padikit sa katawan nito. “I love you, Dionne,” bulong ni Wade sa tenga niya saka siya hinalikan doon.

“And, I love you, too, Wade. Marry me soon?”

“Sooner than you think.”


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.


Mandie Lee is a Precious Hearts Romances and Red Room writers who has published the titles “Mga Halik Mong Sinungaling” “Flirting With The Boy Next Door” “Heat” and “My Genie Lover” among others.

From the Writers

Vanessa Shares Her Most Unforgettable Date

 

 

Here is her answer.

fac

Excerpt from DIARY NG CHUBBY BOOK 1 by Vanessa:

Humahanap ako ng kahit kaunting pagkakahawig sa picture niya sa Facebook ngunit wala akong makita. Sa Facebook, may hitsura siya hindi man sabihing guwapo. Sa personal? Isang tagihawat na lang ang hindi pumipirma at puwede nang mag-orbit ang mukha niya sa space. Kahit ako, nagka-acne at walang kaso sa akin `yon, kung hindi lang sana siya mukhang pagkadumi-dumi. Oily na ang face, pati ba naman ang hair? Parang grasa ang inilagay sa buhok at hindi gel. Puwede na rin siguro, kung hindi lang halatang nagpa-straight siya ng buhok—na kapag humiga siya sa sahig, puwede nang mapagkamalang walis. Nakuha pang magpa-long hair, mukha na ngang mabaho. At hindi lang siya long hair sa ulo, long hair din siya sa ilong!

Gosh! Bakit may nakasilip na hair sa kaliwang butas ng ilong niya? Ang laki ng ilong, ang kapal ng mga labi, at medyo duling pa. Ang batok at mga siko, huwag tatabi sa kalan at baka mapagkamalang uling. Juice ko, ano ba `to?

“Cute ka, ha?” sabi niya, nilaro-laro ang susing hawak. Susi siguro ng kotse, hindi ko alam. Ngumiti ako, kahit paano. Noon niya ginawa ang hindi ko inaasahan—itinaas niya ang susi, ipinasok ang dulo niyon sa kanyang tainga. Eeew! Ginawang pangkayod ng tutuli ang susi! At ngayon ko napansin, mahaba ang kuko niya sa hinliliit. As in sa hinliliit lang mahaba ang kuko niya.

Utang-na-loob. Desperada ako, oo. Pero hindi ganito katindi.

“Sino `yong picture na nasa Facebook?” tanong ko.

“Ah, `yon? Tropa ko.”

“Hindi mo naalalang sabihin sa akin na hindi ikaw `yon?”

“Hindi ko ba nabanggit? Pasensiya na. Ano, kain tayo? Treat kita.”

“Nagmamadali rin kasi ako, so siguro, mauna na rin ako,” paalam ko.

“Sobra ka naman. Galing pa akong QC. Ang layo nitong MOA. Kain na muna tayo.”

Dahil first time kong makipag-date, naisip kong may point si Jared. Pinapunta ko siya sa MOA kahit taga-QC siya kaya sige, tutal, iti-treat naman daw niya ako.

Hindi ko inasahan na dadalhin niya ako sa sikat na restaurant. Sa totoo lang, inasahan ko nang ako ang pagbabayarin niya dahil mukhang wala siyang budget, pero noong natapos kaming kumain, naglabas siya ng credit card. Nagyaya siyang mamasyal sa Island Cove, malapit lang naman daw.

“Naku, masyado nang gagabihin, Jared,” tanggi ko.

“Ikaw naman. Minsan lang naman. Sige na. Maganda do’n. Saka makakapag-relax tayo, tutal Sabado naman, eh. Isa pa, parang crush kita, eh. Ihahatid kita pauwi, promise.”

Dahil ba sa sinabi niya na hindi ko pa naririnig mula sa iba kaya bigla akong napa-oo? Siguro. Alam ko kasi kung paano magka-crush sa isang tao, `tapos hindi susuklian ng taong `yon ang feelings ko. Hindi naman sa kailangan na lahat ng magustuhan mo ay magustuhan ka rin, pero hindi masama ang kaunting ngiti. Ayokong maging tipo ng taong hindi man lang bibigyan ng importansiya ang ganoon. Kaya ko namang pagtiisan ang mukha ni Jared na oily, so go na rin, tutal first and last ito.

To be fair, maganda ang sasakyan ni Jared. Montero. Mukhang big time siya. Ang sabi niya, nasa car business daw siya. Puwede. Papasa siyang mekaniko. Puro grasa na nga siya sa buhok. Nagpunta kami sa Island Cove. Masaya naman ang biyahe, saglit din lang dahil walang heavy traffic.

Sa Island Cove, pumuwesto kami sa isang maliit na kubo sa gitna ng tubig ng Manila Bay. Medyo busog pa ako pero um-order siya ng food. Sayang naman kung tititigan lang, `di ba? Medyo natigilan at nakahalata lang ako nang umisod siya palapit sa akin, eh, ang laki-laki ng space.

Seriously, Axe ba ang gamit niyang pabango?!

“Alam mo, cute ka talaga, “ sabi niya, nakangiti.

Nailang ako. Okay palang marinig for the first time, pero kapag second time na, `tapos mayroong “some kinda fishy” na ngiti sa chakang mukha ng nagsalita? Medyo nakakailang pala. Parang nagkamali ako ng diskarte.

“Thank you,” sabi ko.

“Sige, kain pa nang kain.”

Tumango lang ako at sumubo. Aba, teka muna. Ang braso ng chaka, umaakbay na sa akin.

Rule number one: Kapag ang mataba ay kumakain, `wag mong hawakan, `wag mong istorbohin. Rule number two: Kahit anong hilig namin sa pagkain, nawawalang-gana rin kung may chakang aakbay.

Umisod ako. Umisod din siya. Patawarin. Ito ba ang tinawag na “da moves”? Matagal ko itong pinangarap. Matagal akong nag-daydream na may isang lalaking aakbay sa akin. Pero kahit anong pangangarap ko nang gising, hindi ko na-imagine na ganito ka-chaka ang yayakap sa akin.

Hinawakan ko ang braso ni Jared, tinapik nang bahagya para hindi ma-offend, saka tinanggal palayo sa balikat ko. Kinamot niya ng mahiwagang kuko sa hinliliit ang kanyang pisngi. `Kadiri talaga. “Alam mo, Yuli, pihikan ako sa babae.”

`Di nga? Hitsura mong `yan, nakuha mo pang maging pihikan?

Dumapo ang palad niya na mamasa-masa sa pata ko. Sinvergüenza! Naka-miniskirt pa naman ako! “Alam mo, Yuli—”

“`Yong kamay mo, please,” sabi ko, inalis ang kamay niya. Ano siya, chakang hilo?

Tumawa si Jared. “`Yan ang gusto ko sa babae, `yong pakipot.”

Utang-na-loob, kinakabahan na ako! “Hindi ako ganoong klaseng babae, Jared.”

“Kaya nga gusto kita. Cute na, tulad ko pang pihikan.”

Hindi ako pihikan. Nagkataon lang na mayro’n akong kaunting taste.

“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit daw hindi pa ako lumagay sa tahimik. Ano pa raw ba ang hinihintay ko, eh, isteyvols na ako.”

“Isteyvols ka na, ha?”

“Oo. Totoo `yon. Bago ako naging ganito, nag-seaman ako. Pag-uwi ko, marami na akong pera.”

Parang babagyo? `Lakas ng hangin. “Maganda `yan, Jared.”

“Pero wala akong magustuhan, kasi nga pihikan ako. Pero ikaw, talagang ayos ka sa akin. Alam mo, maganda ka talaga sana, mataba ka lang.”

`Ayun. Mismong-mismo. Ang mga salitang hindi ko alam kung sino ang nagpauso. Maganda ka SANA, mataba ka NGA LANG. Bawas puntos agad `pag mataba?

“Pero `pag ako ang naging boyfriend mo, papayat ka agad sa akin.”

“Sa konsumisyon,” bulong ko.

Narinig ni “Chaka.” “Hindi. Gabi-gabi tayong mag-e-exercise.”

Ansave?! Kinilabutan ako. As in, tumayo ang balahibo ko sa katawan. Chaka na, bastos pa. Tumayo na ako. “Sorry, Jared, ha? Pero ayoko ng mga ganitong usapan.”

“`Sus. Pareho na tayong nasa edad. Walang problema. Relax lang.”

“Hindi ako mare-relax sa takbo ng usapan natin, Jared.”

“Ikaw naman.” Hinagod niya ang braso ko, mula itaas hanggang sa kamay.

Tumalikod na ako. Wala akong balak magtagal at baka mayamaya, para na akong tinapay na nilalapirot ng chakang ito.

“Hoy!” tawag niya. Hindi ko siya pinansin. “Ang yabang mo, taba!”

Bigla akong pumihit. “Ano’ng sabi mo?!”

“Pasalamat ka pinatulan pa kita, eh. Sino pa ba ang ibang magde-date sa `yo? Marami d’yang lima singko, sexy pa. Eh, ikaw? `Laki na ng gastos ko sa `yo, lakas mong kumain, `tapos ganyan ka?”

Hindi ko matanggap na isang lalaking may ganoon kasagwang mukha ang magsasalita sa akin sa ganoong paraan. Lumapit ako sa mesa, kinuha ang bowl ng sinigang sa miso, saka ibinuhos sa kanya. Sinvergüenza! Galit na galit ako. Pero nagalit din ang chaka. Bigla siyang tumayo, saka pumorma ng sugod.

Natakot ang mataba. Lalaki pa rin siya at kayang-kaya akong bugbugin. Napatakbo ako, tinawid ang mga kawayang daan. Nagmumura siya sa likod ko kaya alam kong malapit na niya akong maabutan. May nakita akong waiter, kung bakit hindi ko tinawag. Nakatakbo na ako palabas ng restaurant, saka ko naalalang puwede pala akong humingi ng saklolo.

vanessa-diary-ng-chubby

Ms Vanessa’s Notes.

I had a few terrible dating experiences back in day. This scene was inspired by a combination of them. I had two dates in the same location. One of them I ended up paying for!

Tungkol naman sa pagkamanyak, I remember meeting someone (with a friend) in Alabang. To be fair, it was not really a date but the man (he wasn’t bad looking) started to be a perv to both me and my friend and we were both “chubby”! Imagine a Korean-looking guy inviting two fat girls to do it! As in sabay pa daw! Nakaupo ako sa tapat nitong lalaki, habang minalas ang kaibigan kong mapaupo sa tabi niya. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko, sabay nagsimula nang mag-goodbye. Friend ko ang sinimulan niyang akbayan, at ang friend ko, pasimple siyang binalya. Hinabol kami ni guy hanggang sa daan. We declined his offer again and again. Pero parang feeling niya walang mali sa offer niya. Nakakaloka.

To this day, naalala ko ang suot ng guy kahit medyo di ko na maalala ang face niya, just that looked Korean and could’ve been cute, if it weren’t for the fact that he was a perv. Yikes.

 


“What is your favorite date scene from the novels you’ve written?”

We asked this to our favorite writers and as part of our Valentine Month celebration, we will be posting their answers here. Watch out for our next writers who will share their experience.