Love

VICE GANDA’S EMOTIONAL SPOKEN WORD POETRY

SPOKEN WORD POETRY 
Vice Ganda
#ViceGandaPusuanMoSaAraneta

“Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan? 
Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng walang sakit?
Pwede bang okay na tayo wala ng bakit?
Pwede bang start lang walang end?
Kung kaya pa natin, baka naman pwedeng iextend
Pwede bang true lang walang fake?
Pwede bang heart lang walang break?
Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang tayo at tayo nalang ulit?
Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba hindi
At yun ang masakit

Masakit ba yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga nating masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin nating binabalikan
At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan
At hinanap-hanap nalang ng katawan
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang kumurap 
At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham
Kaya kakausapin ko nalang yung sarili ko, tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na ‘to

Masakit ba yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko
Pero sigurado naman akong makakarating sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso 
At gusto kong malaman mo na masakit
Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit
Hindi ko mawara yung sakit, sobrang sakit pero masarap

Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw nagbigay sakin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan na sa akin ay manakit
Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan mahal kita
Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating parang kulungan
Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan
Mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Mahal kita tang ina nila mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban

Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan
Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo 
Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan
Gusto kong isigaw na “POTANG INA JOWA KO YAN!”
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan
Kaya kahit pareho tayong tagumpay
Pareho tayong nananatiling talunan

Ang sakit, ang sakit sobrang sakit
Sobrang sakit hindi ko maintindihan ang sakit
Hindi nyo alam ang sakit
Pero pagkatapos ang tilian ng mga tao
Pagkatapos ng tunog ng simbato
Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat ng pawis mo
Bago ka umuwi ng bahay nyo
Ako parin ang tatawagan mo para tanungin kung napanood ko yung cross over mo
Yun ang masarap
Para kong baliw, para kong tanga

Makita ko palang yung pangalan mo sa telepono para na kong nasa ulap
Pag narinig ko na yung boses mo pag sinagot ko yung tawag mo para na kong nasa alapaap
Parang tangang nababaliw kasi ang sarap sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero ang saklap pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, kahit nakakulong tayo masaya naman tayo
Nagtatawanan, naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos ay magbabati nanaman

Pero bakit pag naglabas ng mundo yang hindi na tayo pwedeng mag-usapan
Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng maghawakan
Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi pwede
Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan

Ilang taon din natin yan tiniis
Yung nagtataguan na parang mga gago
Na parang mga aswang na nakakubli sa isang silid na parang sementeryo at tayong dalawa lang ang tao
Na parang mga adik na natatakot matokhang ano mang segundo
Na parang mga kriminal, natatakot na hatulan ng mapanghusgang lipunan
Na ang tanging pamantayan ay hindi pwedeng tayo
Dapat sa babae ka lang dahil bakla lang ako
Potang ina namang mundo to ano bang problema nyo
Ano bang kasalanan ko

Sa sobrang takot ay nagkasundo na lang na wag na manlaban
Dahil pagod na tayo at pareho na tayong tubuan
Kinamisok tayo na sumuko nalang
Ang sakit, sobrang sakit
Hindi nyo alam kung gano kasakit 
Hindi nyo mauunawaan kung gano kasakit
Pag naaalala ko para kong mamamatay sa sakit
Namamanhid yung buong katawan ko sa sakit
Hindi ako makakilos sa sakit, wala na kong maramdaman sa sakit

Ang sakit sakit pero masarap
Kasi hanggang sa huli
Yung sa pagsuko natin magkahawk tayo ng mahigpit
At dumating na yung oras na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa atin 
Pinakamabigat na parusa

Kalayaan
Kalayaan palayain ako
Kailangan palayain mo ko o palayain kita
Di pwedeng lumingon, di pwedeng sumulyap
Di pwedeng umiyak diretso lang ang lakad
Papalayo sa isa’t isa hanggang sa di natin nakita kung san tayo napunta

Ang sakit sobrang sakit
Halos ikamatay ko yung sakit
Pero masarap, ang sakit sakit pero masarap
Dahil hanggang sa huling sandali
Kahit masakit tinawag mo kong Juliet.”

Click The Picture for the Video

Resulta ng larawan para sa vice ganda spoken word

Advertisements
Love

Jollibee is Trending and here are the best Tweets so Far

Jollibee is Trending dahil sa nakakaiyak nitong mga videos na kumakalat ngayon sa Social Media. At dahil eto tayo, nanood, naiyak, nag-tweet ang drama, here are the best reactions so far.

  1. Yung hindi ma-explain ang nararamdaman niya dahil totoo naman, puno ng feels ang commercial na ito.

20170210_033531

2. Pero meron ding alam na niya, final na, iiyak siya kahit pa wala pang hugas-hugas na nagaganap sa mukha niya.

20170210_033621

3. Pero syempre, ang mga taga-ahensya, inaral na ang formula para matapatan ang viral video.

20170210_033601

4. But in the end, binigay na rin nila kay Jolibee ang reaction. Hindi lang tayo ang nalungkot.

20170210_033432

5. Pero some appreciated the other parts of the commercial

20170210_033638

6. Though some learned to use the ad as an inspiration sa kanilang mga magiging reaction sa buhay. Kumbaga eh, nanood, umiyak, nilagyan ng practical application. Tulad ng Reaction mo pag wala yung thigh part na gusto mo.

20170210_033353

7. O kung wala ka sa oras pumasok dahil sira ang iyong relo.

20170210_033653

8. But the best thing is the lesson it taught us about love

20170210_033331

9. And being practical about life.

20170210_032658

10. But seriously, the ad taught us that love is a multi faceted experience, and there is happiness in loving and letting go.

20170210_033414

 

 

Para sa mga hindi pa nakakanood ng video, eto po ang naunang dalawa. Here are the links

Jollibee Commercial 2017 Wedding

Jollibee Commercial 2017 Crush

 

 

 

Love

10 Beautiful Words About Love That Don’t Exist in English

That tingling sensation you feel inside when you see the person you really adore, or when he smiles back or when he does those little things that make you blush. Filipinos call that “Kilig” and it is just one of the words, beautiful words that do not have an English counterpart.

Here are ten more lovely words that we feel but can not express in English.

1. Mamihlapinatapei (Yagan, an indigenous language of Tierra del Fuego): The wordless yet meaningful look shared by two people who desire to initiate something, but are both reluctant to start.

16508105_1370439199680483_4303442793403095499_n

2. Yuanfen (Chinese): A relationship by fate or destiny. This is a complex concept. It draws on principles of predetermination in Chinese culture, which dictate relationships, encounters and affinities, mostly among lovers and friends.

14445156_1813933795559592_6428718664263631125_o

3. Cafuné (Brazilian Portuguese): The act of tenderly running your fingers through someone’s hair.

phr-4436

4. Retrouvailles (French):  The happiness of meeting again after a long time.

15894376_1863224107297227_5490368946441385117_n

5. Ilunga (Bantu): A person who is willing to forgive abuse the first time; tolerate it the second time, but never a third time.

phr-5413

6. La Douleur Exquise (French): The heart-wrenching pain of wanting someone you can’t have.

15871700_1863224277297210_2798490606518908253_n

7. Koi No Yokan (Japanese): The sense upon first meeting a person that the two of you are going to fall into love.

14729246_1825134494439522_194935473559518257_n

8. Ya’aburnee(Arabic): “You bury me.” It’s a declaration of one’s hope that they’ll die before another person, because of how difficult it would be to live without them.

15940961_1866591083627196_4852713858550716898_n

9. Forelsket: (Norwegian):  The euphoria you experience when you’re first falling in love.

14712933_1817419371877701_1550646033260973254_o

10. Saudade (Portuguese): The feeling of longing for someone that you love and is lost. Another linguist describes it as a “vague and constant desire for something that does not and probably cannot exist.”

the-scheming-princess-and-the-poor-prince

 

Love

What is Love?

TINANONG namin ang ilan sa mga paborito ninyong PHR Writers kung ano ba para sa kanila ang kahulugan ng PAG-IBIG? At heto ang mga sagot nila…

rose-tan
Enter a caption

“Love means you never have to say sorry.” – Rose Tan

Lo

victoria-amor2
Enter a caption

“Love is sacrifice and commitment.” – Victoria Amor

unique-de-leon
Enter a caption

“Love is a bit of heart that no one can explain the real meaning even by the person who’s in love.” – Unique de Leon

lara-dyn-grey
Enter a caption

“Love is powerful; it never fails.” – Lara Dyn Grey

belle-feliz
Enter a caption

“Love is brain chemistry.” – Belle Feliz